Starting Over Again: Bakit ako nainis, natawa, natuwa, naiyak.

*SPOILER ALERT*

Hindi ko alam kung suicidal yung plan na yun na manood ng sine at makipag-date sa mga college friends ko ng Valentine’s Day. Maraming couples (BF-GF at BF-BF) na nagkalat na may dalang teddy bears (pink fugly teddy bears) at flowers at masayang namamasyal at HHWW pa. Anyway, ganun talaga. So go pa rin kami manood ng Starting Over Again as planned. Matagal ko rin inintay tong movie na ito starring Piolo (Marco), Toni (Ginny), at Iza (Patty).

Starting over again, starting over again movie

At sa loob ng sinehan, ang dami kong naramdaman. Nainis. Natawa. Natuwa. Naiyak. Bakit?

Bakit ako nainis?
1. Kasi naman, parang pasok na pasok, swak na swak, relate na relate sa buhay ko ang movie na ito. Parang yung sumulat, nakakabasa ng utak ko. Nakakainis kasi, instead na magpakasaya ako nung gabing yun, naisip ko yung movie, hanggang pagkagising ko.
2. Ang gwapo ni Marco. Yung hinahabol niya under the rain si Ginny, at umiiyak siya at nagmamakaawa, pero biglang bumakat yung shirt niya sa perfectly chiseled chest niya, nakakainis diba? Nasira yung moment kasi dun ako napa-focus sa dibdib niya. Pero mas nakakainis kasi alam kong may kumakalat na chismis (or confirmed na nga yata) na bakla si Papa P.
3. Mahaba masyado yung mga dialogues nila. Yung feeling na parang ten minutes na silang nagsasalita at nagda-drama. Ten minutes of dramatic dialogue, each.
4. Ang ganda ng shoes at mga damit ni Ginny. Yun lang.
5. Ang fake nung scene na nabagsakan ng mga dos por dos sila Ginny at Patty. Kainis.

Bakit ako natawa?
1. Actually, natawa at naiyak at the same time ako sa eksenang naglulupasay si Ginny sa kama niya. Yung moment na natatangahan siya sa sarili niya for letting Marco go. Nakakatawa kasi at some point, ganun din yung na-feel ko. Although hindi ko pa nata-try maglupasay sa kama. Next time na lang pag queen sized bed na rin ang gamit ko.
2. Natawa ako sa paghahabol ni Ginny sa taxi at pagsakay niya sa tren. Naka-heels, naka mini dress, naka YSL pa yata na bag. Sabay naghahabol ng cab para mapuntahan si Marco. The things we do for love.
3. Natatawa ako sa friends ni Ginny. Yung line na “ang hope, nakakaadik,” something to that effect. Na dapat i-try ni Ginny na lumaklak ng realidad. Parang yung mga friends ko lang na gusto na akong pukpukin sa ulo sa ilang beses kong pag-iyak sa kanila noon.
4. Si Vhong Navarro kasi! Naghiyawan ang mga tao sa sinehan after makita si Vhong. Pasakay ng taxi, malamang papunta na sa condo at magdadala ng foods.

Bakit ako naiyak?
1. Sino ba namang di maiiyak sa mga lines na ito?

“More than three years and I thought we were good. Hindi ko lang alam kung bakit, kung pano, kung pano nag-simula. Ano ang nangyari sa ating dalawa?” – yan din ang tanong ko, Papa P. Mukhang hindi ko na siya masasagot, ever.
“I was willing to wait… Kaya lang napagod ako. Napagod ang puso ko na maghintay, magtanong, magalit.” – yan din ang gusto kong gawin. Maghintay. Umasa. Yung willing kang magmukhang tanga pero nakakapagod rin pala. Although I’m trying to see the good in getting tired of waiting.
“Sabihin mo sa akin, how do I unlove you?” – posible bang makalimutan mo kung gaano mo kamahal ang isang tao? Lalo na kung sa bawat sulok ng mundo merong nagpapa-alala sayo sa kanya?
“Closure.”
“Para maging buo tayo ulit.”
– eto naiyak ako, at the same time narealize kong eto lang ang kelangan ko. Yung maayos na closure, para mabuo ulit ako.

2. Nakita ko yung sarili ko kay Marco nung iniwan siya ni Ginny. Pero nakita ko rin yung sarili ko kay Ginny nung tinanong niya si Marco ng “how do I unlove you?”
3. Naiyak ako bandang huli, pero tears of joy. Kasi hindi nagkatuluyan ang mga bida. Gusto ko yung mga ganung movies minsan. Realistic kasi.

Bakit ako natuwa?
1. Kasi napantayan ng movie yung pagkagusto ko sa One More Chance. Mas mabigat lang itong Starting Over Again dahil nga, hindi nagkatuluyan sila Ginny at Marco.
2. Kapangalan ko kasi yung bagong GF ni Marco, si Patty. Cute lang.
3. Refer to item number three under Bakit ako naiyak.
4. Mala-500 Days of Summer ang ending. Nakilala ni Ginny ang magiging bagong BF niya sa movie (at ang long time BF niya in real life).
5. Pinatunayan ng movie na posibleng maka-move on. Kahit gano kasakit, kahit gano mo kamahal ang umiwan sayo. Kung nagawa ni Marco ang makahanap ng Patty, kaya ko rin humanap ng Marco.

Bakit ko gusto yung movie at bakit kita pipiliting manood?

Dahil nainis ako, naiyak, natawa, natuwa at the same time. Dahil naka-relate ako sa reality na pinakita sa movie. Dahil marami na namang nadagdag sa mga favorite tagalog movie lines ko. Dahil magaling si Piolo at Toni at Iza. Dahil hindi ka tuturuan nung movie na umasa sa wala, in fact, tuturuan ka niyang marealize na may bagong pwedeng dumating sa buhay mo para maging masaya ka ulit.

Advertisements

2 thoughts on “Starting Over Again: Bakit ako nainis, natawa, natuwa, naiyak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s